-- Advertisements --
Suportado ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang panukalang “no homework” policy sa kindergarten hanggang Grade 12 students sa bansa.
Ayon sa kalihim na ang mga aralin ay dapat gawin habang ang mga bata ay nasa paaralan.
Pagkatapos ng pasok sa eskuwela ay ang magulang na ang bahala para may oras sila na makapag-bonding.
Aminado din ito na ang mga takdang-aralin ay hindi ang mga bata ang gumagawa at sa halip ay pinapagawa sa mga magulang o nakakatandang kapatid.
Reaksyon ito ng kalihim sa inihaing House Bill 3611 ni House Deputy Speaker Evelina Escudero na ipagbawal ang pagpapauwi ng mga aralin ng mga bata.