-- Advertisements --

Pinalakas na ng Department of Education (DEPED) ang paglaban sa bullying sa mga paaralan.

Kasunod ito sa pagpirma ni DepEd Secretary Sonny Angara ng revised Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Anti-Bullying Act of 2013.

Ayon sa kalihim na walang lugar ang bullying sa mga paaralan dahil ito ay lugar kung saan dapat matuto ang mga bata.

Nakasaad sa revised IRR na lahat ng mga public at private schools kasama na ang mga community learning centers at paaralan sa ibang bansa na nasa ilalim ng DepEd ay marapat na ipatupad ang Standard Anti-Bullying Policy.

Ang mga polisiya ay kinabibilangan ng school-wide prevention programs, early intervention efforts at malinaw na sistema sa paghawak ng reklamo.