-- Advertisements --

Aprubado na ng Department of Education (DepEd) ang dagdag sahod sa mga private school teachers sa ilalim ng Teacher’s Salary Subsidy (TSS) na mula sa P18,000 ay gagawin na itong P24,000 simula ngayong school year 2025-2026.

Ito ay alinsunod pa rin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na mas magandang kalidad at mataas na batayan ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nakikita sa ngayon ang pangangailangang ipantay sa public school teachers ang compensation na natatanggap ng mga private school proctors para sa mas mainam na pagtuturo.

Samantala ang TSS naman ay isa lamang sa mga component sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) program na siyang sumusuporta sa mga full-time licensed teachers na siyang empleyado ng mga peribadong paaralang kasali sa Eduaction Service Contracting (ESC) scheme sa loob ng tatlong oras kada linggo.

Ang inisyatibo naman na ito ng DepEd ay nagpapakita lamang din aniya ng kanilang commitment na palakasin ang kanilang suporta sa private education stakeholders.

Sa kasalukuyan, patuloy naman na nakikipagugnayan angang national government sa mga lokal na pamahalaan, development partners at maging sa iba pang private education institutions para sa layuning ito.