Pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang DepEd Heroes Awards nitong Biyernes, Disyembre 26, kung saan kinilala ang iba’t ibang indibidwaL, pitong guro, anim na mag-aaral, at tatlong pribadong mamamayan.
Ayon kay Secretary Angara, ang kanilang dedikasyon ay nagbunga ng “ripple effect” sa mga pampublikong paaralan at komunidad sa buong bansa.
“With every story we honor, we hope more acts of kindness and dedication will follow. The ripple effects of these heroes will continue into the new year, touching even more lives and communities,” ani Angara.
Mga Pinarangalan:
7 guro: Grace Bohol, Marivic Villacampa, Elmer Sugarol, Lorlita Lubao, Ma. Lourdes Rola, Mary Jane Reodica, at Erik Jims Bongon, na nagpakita ng natatanging dedikasyon sa edukasyon.
6 “young heroes”: Mark Borila, Marco Alegro, Jared Allicaya, John Vincent Teñido, Christian Jay Maglasang (Davao del Norte Regional Sports Academy), at Jayboy Magdadaro (Jubay Integrated School, Cebu), na nagpakita ng tapang sa pagliligtas ng kanilang mga kaklase sa gitna ng lindol at bagyo.
3 parent volunteers: Dea Solayao, lawyer Blake Feken, at Master Mariner Capt. Edcel Viraque, dahil sa kanilang suporta sa storytelling programs at pro bono legal services upang makakuha ng land titles para sa mga pampublikong paaralan, at sa pagtatayo ng mga pasilidad gaya ng silid-aralan.
Ayon sa ulat, ilan sa mga pinarangalan ay bumabyahe ng ilang oras sa maputik o bahaing lugar upang makapagturo.
Ang iba naman ay patuloy na nagtuturo kahit sumasailalim sa chemotherapy, at mayroon ding sumusuong sa lindol at bagyo upang matiyak na hindi maaantala ang pag-aaral ng mga estudyante.















