Handang patulan ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr ang hamon ni Oscar De la Hoya na sila ay magharap muli.

Ito ay matapos na makapanayam ang Mexican boxing champion at sinabing handa itong magbigay ng $100 milyon para sa harapan muli.

Taong 2017 ng tuluyan ng magretiro si Mayweather matapos ang laban kay Conor McGregor.

Abala lamang ito sa mga exhibition fights gaya ng pinakahuli noong laban sa YouTube star na si Logan Paul.

Magugunitang tinalo ng US boxer si Dela Hoya noong 2007 sa pamamagitan ng split decision sa laban na ginanap sa MGM Grand Arena.

-- Advertisement --

Nagretiro naman si Oscar makaraang talunin noon ni Manny Pacquiao.