Umaasang makasama sa USA Basketball roster na sasabak sa FIBA World Cup sa China sina Anthony Davis, James Harden, Damian Lillard at Bradley Beal.

Ilan lamang sa nasabing mga manlalaro ang naghihintay ng go-signal bago ilabas ang 12-man rostar ng USA Basketball team.

Bukod sa mga manlalaro ay kasama sina Portland Trail Blazers CJ McCollum, Cleveland Cavaliers Kevin Love, Houston Rockets Eric Gordon, Utah Jazz Donovan Mitchell at Jayson Tatum ng Boston Celtics.

Posible ring makasama sina Kyle Kuzma ng Los Angeles Lakers, PJ Tucker ng Rockets, Paul Millsap ng Denver Nuggets at manlalaro ng Milwaukee Bucks na sina Khris Middleton at Brook Lopez.

Magsisimula ang FIBA World Cup mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China kung saan 32 mga koponan ang maghaharap.