Inihayag ng isang grupo ng mga guro na hindi sasapat ang pinaplano ng Department of Education na pagdaragdag ng 30,000 tauhan para mas mapagaan pa trabaho ng mga guro.
Ayon kay People’s Education Commission lead convenor, Dr. David Michael San Juan, ang kawalan ng sapat ng support personnel ang nagdulot ng tambak na workloads para sa mga guro sa bansa na nakakaapekto naman aniya sa pagbibigay ng mga ito ng dekalidad na edukasyon.
Kung maaalala, una nang sinabi ng DepEd na target nitong magdagdag ng 20,000 teaching personnel at 10,000 education support personnel.
Bukod dito ay inanunsyo rin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi na kakailanganin pang gumawa ng administrative work ng mga guro upang matulungan ang mga ito na makapag-focus pa lalo sa kanilang pagtuturo.