-- Advertisements --
Asahan ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), na maaring maglaro ng hanggang P1.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P1.40 naman ang itataas sa kada litro ng diesel.
Aabot naman ng hanggang P0.80 sa kada litro ang pagtaas ng kerosene.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng DOE ay ang patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine ganun din ang pagtaas $1 kada presyo ng langis matapos na magpatupad ng sanctions ang US sa Iran.