Mahaharap sa kasong plunder ang mga opisyal at mga contractors na sangkot sa ghost projects.
Ito ang binigyang-diin ni House Infrastructure Committee Chairman Terry Ridon, matapos simulan ng komite ang kanilang imbestigasyon hinggil sa tinatawag na flood control mafia.
Inihayag ni Ridon na ang kanilang imbestigasyon ay tugon sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na siyasatin ang lahat ng mga flood control projects partikular ang mga ghost, substandard at sobra sa presyo ng mga proyekto.
Unang tinumbok ng Komite ang P55 million na ghost at substandard flood control projects sa Baliuag, Bulacan na personal na nadiskubri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Ridon dapat lamang managot ang mga sangkot sa anomalya at sampahan ng plunder.
Tinukoy din ni Ridon ang substandard flood control project sa Calumpit, Bulacan na ginawa ng St. Timothy Construction at Wawao Builders.
Pagtiyak ng mambabatas na lahat ng iregularidad sa mga infrastructure projects ay kanilang sisiyasatin.
Pina subpoena naman ng Komite ang limang contractors na hindi sumipot sa pagdinig ngayong araaw ng Infra Comm.
Ito ang mga sumusunod:
Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation, SYMS Construction Trading; Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation at Wawao Builders Corporation.