-- Advertisements --

Pumayag ng tatlong taon na extension sa Meralco Bolts si Chris Newsome.

Dito nagtapos ang nasabing kasunduan kahit na mayroon itong option na pagpirma sa ibang koponan bilang unrestricted free agent si Newsome.

Ayon kay coach Luigi Trillo na naging bahagi na ng programa ng Bolts si Newsome kaya masaya sila sa desisyon niyang palawigin ang kontrata.

Lumabas kasi ang usapin dahil sa pagtatapos ng kontrata ng 35-anyos na manlalaro sa Bolts ay sinasabing mayroon itong balak na lumipat sa Barangay Ginebra kung saan bilang bahagi ng Gilas Pilipinas ay nakasama niya si Gins coach Tim Cone.

Magugunitang taong 2015 ng kunin ng Bolts si Newsome kung saan naging susi ito sa pagkampeon ng koponan noong 2024 Philippine Cup.