-- Advertisements --

Plano ni US President Donald Trump na palitan ang pangalan ng kaniyang Department of Defense.

Ayon sa White House, nais ni Trump na tawagin na lamang itong Department of War.

Layon ng pagpapalit sa pangalan ng ahensiya ay para maipakita ang lakas at pagresolba.

Ang hakbang ay tila muling pagbabalik sa dating pangalan ng ahensiya na huling ginamit mula 1789 hanggang 1947.

Hindi naman binanggit ng White House kung magkano ang maaring magastos sa ilang daang ahensiya, emblems, email addresses at mga uniporme.

Ipapaubaya na lamang nila sa US Congress ang desisyon sa planong pagpapalit ng pangalan ng ahensiya.