-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Bureau of Immigration na wala pa silang impormasyon o rekord na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang sina Sara at Pacifico Discaya.

Ito’y kasunod ng kumalat sa social media o online na bumyahe ang mag-asawa tungo sa Hanoi ng bansang Vietnam.

Ayon naman kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala pang kumpirmasyon at impormasyon nagsasabing nasa ibang bansa na rin ang mga kaanak ng mag-asawa.

Kaugnay ito sa pagkakasangkot ng pamilya Discaya sa maanomalyang ‘ghost flood control projects’ na siyang iniimbestigahan na sa kasalukuyan.

Ang mag-asawang Discaya rin ay kabilang sa mga naisyuhan ng ‘Immigration Lookout Bulletin Order’ upang mabantayan sakali mang umalis, lumabas at bumalik ng bansa.