Reading Time: 1 minute
Screenshot 2019 06 08 18 11 15
Mindanao Development Authority Secretary Manny Piñol

DAVAO CITY – Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikumpara ang kasalukuyang Department of Agriculture (DA) secretary sa pinalitan nitong dating kalihim.

Hindi man direktang pinangalanan ni Pangulong Duterte kung sino pero alam ng marami na ito ay si dating DA Sec. Manny Piñol.

Sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng isang hotel sa lungsod ng Davao sinabi ng Pangulo na matagal na niyang hinahanap ang katulad ni Sec. William Dar, pero dahil hindi umano niya ito makita, isang farm boy ang kanyang itinalaga bilang kalihim ng naturang ahensiya.

William Dar
DA Sec William Dar/ DA FB page

Isa sa hindi malimutan umano ng Pangulo ay ang pagbibigay ng garantiya ni Pinol na magiging susunod na rice importer ang Pilipinas.

Pero kaagad namang bumawi ang Pangulo sa pagsasabing, magaling si Piñol at “na-miss understood” lamang.