-- Advertisements --

Tiniyak ni Agriculture Sec. William Dar na mayroong sapat na supply ng bigas hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni Dar na mahigit sa dalawang buwan ang imbentaryo nila ng bigas bukod pa sa matitipon mula naman sa anihan ngayong Abril.

Walang dapat na ikabahala aniya ang publiko hinggil sa supply ng bigas, pero umaapela siya na iwasan ang hoarding upang may sapat na mabili ang lahat.

Gayunman, bagama’t maraming supply ng bigas sa mundo, nakikitang problema ni Dar na kung lahat ng bansa ay hindi muna mag-export dahil sa banta pa rin ng COVID-19.