Nakatakdang maglabas ang Department of Agriculture (DA) ng price ceiling sa ilang imported pork ganun din sa mga sibuyas at carrots na galing sa ibang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na ang hakbang ay dahil sa labis na pagtataas ng presyo ng ilang mga negosyante ng nasabing mga produkto.
Base sa panukala,naang mga imported liempo ay hanggang P370 kada kilo lamang habang ang mga imported kasim at pigue ay hanggang P340 kada kilo.
Samantala ang puting sibuyas at pulang sibuyas na lokal at imported ay dapat hanggang P120 kada kilo ganun din ang presyo ng mga imported na carrots na dapat ay hanggang P120 kada kilo lamang.
Dagdag pa nito na kapag naipababa ang presyo ay maaring maibaba na rin ang presyo ng mga ito sa mga susunod na mga araw.
















