-- Advertisements --

Binatikos ng Kamara de Representantes ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mabagal na paglalabas ng ₱1 billion Quick Response Fund (QRF) noong 2024.

Lumabas sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget hearing ng 2026 proposed fund ng DA na 41% lamang ng pondo ang nailabas sa kabila pa ng malalakas na bagyong tumama sa bansa.

Ayon kay Committee chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, maraming distrito ang hindi nakatanggap ng ayuda mula sa QRF at sa kanilang karanasan, ni isang sentimo ay hindi nakarating.

Dumipensa naman si DA Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., na nagsabing naantala ang pondo dahil sa proseso ng procurement.

Nangako din siyang agad na rerepasuhin ang guidelines upang masigurong mabilis na makararating ang tulong sa mga magsasaka at komunidad na sinalanta ng kalamidad.