William Dar 1
DA Secretary William Dar

Pinayuhan ng Department of Agriculture ang mamamayan na maghanap na lamang ng ibang uri ng mga isda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng isdang galunggong.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, na may mga ibang uri na isda na may taglay na mataas na protina gaya ng tilapia at bangus.

Kung ikukumpara ang bangus at tilapia ay mas mura pa ang presyo nito kumpara sa galunggong.

Umaabot sa P120 hanggang P130 ang kada kilo ng tilapia habang ang bangus ay nasa P150 kumpara sa galunggong na tumaas umabot sa P240 hanggang P260 kada kilo.

Ilan sa nakikitang dahilan ng DA kaya tumaas ang presyo ng galunggong ay dahil sa in-demand ito ngayong kapaskuhan at maging ang lamig din ng panahon.