-- Advertisements --
Pansamantalang pinagbawalan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapasok ng mga manok at ilang mga poultry products mula sa Chile dahil sa outbreak ng avian flu sa nasabing bansa.
Nakasaad din sa memorandum na pirmado ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na kasamang ipinagbabawal ang importation ng mga domestic at wild birds kabilang ang mga poultry meat, day old chicks, eggs at semens na galing sa Chile.
Base kasi sa record ng World Health Organization na mayroong outbreak ng H5N1 sa Chile mula pa noong Marso 10.
Base sa datos ng Bureau of Animal Industry na nag-iimport ang bansa ng nasa 2.9 kilos ng manok mula sa Chile mula Enero hanggang Marso 31 noong nakaraang taon.