-- Advertisements --
Labis na ikinatuwa ng legendary metal singer na si Ozzy Osbourne ang ginawang wedding proposal ng nobyo ng anak nito.
Pagkatapos kasi ng final show ng Black Sabbath ay inalok ni Slipknot DJ/keyboardist Sid Wilson ang anak ni Ozzy na si Kelly.
Kasama ni Kelly ang mga magulang nito na sina Ozzy at Sharon ng isinagawa ang pag-alok ng kasal ni Wilson.
Nais ni Sharon na magkaroon siya ng maraming apo habang si Wilson ay mayroon ng isang anak na lalaki.
Kuwento ni Sharon na noong nagdaang apat na buwan ay hiningi ni Wilson kay Ozzy na nais niyang pakasalan ang anak.