-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang rock star na si Ozzy Osbourne sa edad na 76.

Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang pagpanaw ng lead singer ng heavy metal band na Black Sabbath.

Taong 2020 ng ianunsiyo ni Osbourne na ito ay na-diagnosed ng Parkinson’s disease.

Dahil sa kaniyang sakit ay naapektuhan ang ilang mga concert at mga public appearance.

Mahigit apat na dekada na namayagpag ang banda ganun din sa pagiging solo artist niya.

Siya rin ang nasa likod ng Ozzfest sa US kung saan maraming mga iba pang sikat na banda ang kasamang nagtanghal.

Mahigit 100 milyon records ang kaniyang naibenta sa pagiging solo artist at ang bandang Black Sabbath.

Taong 2006 ng hirangin sila sa Rock and Roll Hall of Fame.

Isinilang bilang si John Michael Osbourne noong Disyembre 3, 1948 na siyang bunso sa pat na magkakapatid mula sa Birmingham, England.

Isang factory worker ang ina nito habang nagtatrabaho sa gabi ang ama bilang toolmaker.

Noong bata pa ito ay nagka-interest siya sa teatro subalit ng marinig niya ang bandang The Beatles ay doon ito nagka-interest sa musika.

Kasama niya noong ang gitaristang si Tony Iommi, bassist Geezer Butler at drummer Bill Ward ay binuo nila ang Black Sabbath sa taong 1969.

Sila ang nagpasikat ng heavy metal, kabilang ang agressive vocal wail, bass-heavy riff, demonic subject matter at general spirit of rebelliousness.

Dahil sa kaniyang mga masamang bisyo ay tinanggal si Osbourne sa banda at ito ay nagsolo.

Nagkasama-sama ang banda noong 2006 ng magtanghal sila sa Rock and Roll Hall of Fame.

Ikinasal ito kay Sharon Arden ang anak ng manager ng banda na si Don Arden.

Silang mag-asawa ay inilunsad ang OZZfest noong 1996 kung saan ibinibigay nila sa charity ang bahagyang kita ng show.

Taong 1980 ng magrecord ito ng solo na “The Bizzard of Ozz”.

Ang kaniyang 12th album na “Ordinary Man” ay inilabas noong 2020 kung saan ito ay mabilis na nakapasok sa mga music charts.

Noong unang bahagi ng Hulyo ay nagkaroon sila ng farewell show kasama ang ilang mga sikat na banda.