-- Advertisements --
Itinuturing ni Kelly Osbourne na tila nawalan ito ng malapit na kaibigan matapos ang pagpanaw ng kaniyang amang si Ozzy.
Sa kaniyang social media account ay nagpost pa ito ng lyrics ng kanta ng Black Sabbath na “Changes”.
Ang nasabing kanta ay unang lumabas sa album nilang “Vol 4″noong 1972 at muling nirecord nilang mag-ama noong 2003.
Magugunitang kasama ito sa reality TV show na “The Osbournes” na ipinalabas mula 2002 hanggang 2005.
Si Ozzy ay nakilalang “Prince of Darkness” bilang lead vocalist ng Black Sabbath.
Magugunitang pumanaw na ang singer nitong Martes sa edad na 76.