-- Advertisements --

May kakaibang paraan si Sharon Osbourne para gunitain ang unang taon na pagpanaw ng asawang si heavy metal pioneer na si Ozzy.

Sinabi nito sa mga fans na asawa na mas magandang gunitain ang isang taon na anibersaryo sa pamamagitan ng malakas na pagpapatugtog ng kaniyang kanta.

Nasa Birmingham City sa United Kingdom si Sharon Osbourne habang inihahanda ang kauna-unahang Ozzy Day.

Dito ipagdiriwang ang kasiyahang dulot ng frontman ng Black Sabbath na isinilang at lumaki sa Aston.

Magugunitang si Ozzy o kilala bilang “The Prince of Darkness” ay namayapa noong Hulyo 22 ng nakaraang taon.

Ilang linggo bago pa man ang pagkamatay ng singer ay isinagawa ang kanilang Farewell show na “Back to the Beginning gig kasama ang ilang mga sikat na banda gaya ng Metallica, Guns N’ Roses at Slayer.