-- Advertisements --
Pasok na sa final round ng WTA 125 Birmingham Open Finals si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Rebeka Masarova ng Switzerland sa score na 6-2, 4-6 at 6-3.
Bahagyang naantala ang laro sa last set dahil sa pagbuhos ng malakas ng ulan.
Matapos ang halos isang oras ay ipinagpatuloy nila ang laro kung saan hawak pa rin ni Eala ang kalamangan 5-2 hanggang tuluyan ng tinapos ng Pinay tennis star ang laro.
















