-- Advertisements --
Nagtipon-tipon ang mga fans para huling masilayan ang bangkay ng namayapang rockstar na si Ozzy Osbourne.
Ilang libong katao ang sumama sa prosesyon sa kahabaan ng Borad Street sa Birmingham, United Kingdom para sa paghahatid sa huling hantungan ng Black Sabbath singer.
Makikita ang labis na kalungkutan ng asawa nito na si Sharon Osbourne kasama ang kanilang anak na sina Kelly, Aimee at Jack.
Nag-alay sila ng mga bulaklak sa ibabaw ng puntod ng singer.
Magugunitang pumanaw ang 76-anyos na singer nitong Hulyo 22 ilang linggo matapos ang isinagawa nitong final show kasama ang banda.