Doble kayod ang ginawa ni Stephen Curry upang punan ang hindi paglalaro ni Kevin Durant dahil sa injury.

Tumipon si Curry ng season highs na 39 points at 11 rebounds.

Pero kinailangang magpursige pa lalo ng husto ng Golden State makaraang ma-foul out si Curry at matapos ang laro sa kanilang panalo laban sa Brooklyn Nets, 118-111.

Bagamat may pitong assists si Curry, nagtala naman siya ng pitong turnovers kung saan ang huli niyang dalawang fouls ay pinatawan siya ng referee ng charging calls.

Malaking tulong din naman ang nagawa ni Klay Thompson na may 23 points para hawakan nila ang ika-13 panalo mula sa 14 mga laro.

Sa panig ng Nets nanguna sina Allen Crabbe na nagtapos sa 25 point at Spencer Dinwiddie na nag-ambag ng 21 points at eight assists.

Nasa 6-10 na ang win-loss record ngayon ng Nets at bigating team na naman ang kanilang next game sa Huwebes laban sa Cavs.

Ang Warriors (13-4) naman ay sunod na makikipagbanggaan sa Thunder sa Huwebes din.