-- Advertisements --

Kinoronahang kampeon si Golden State Warriors star Stephen Curry sa NBA 3-point contest bago ang NBA All-Star Game.

Umiskor ng 28 points si Curry sa final round ng 3-point contest, upang talunin ang 27 points na naitala ni Utah Jazz guard Mike Conley.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasungkit ni Curry ang tagumpat sa 3-point shootout sa kanyang career.

Samantala, si Domantas Sabonis naman ng Indiana Pacers ang naghari sa NBA Skills Challenge makaraang magapi si Nikola Vucevic ng Orlando Magic.

Taliwas sa nakagawian, isinagawa ang 3-point at skills competition bago ang mismong NBA All-Star Game dahil sa COVID-19 pandemic.

-- Advertisement --

Ang slam dunk contest ay naka-schedule naman sa halftime ng All-Star Game.