-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Golden State Warriors na hindi makakapag-laro ng isang linggo ang kanilang star player na si Stephen Curry.
Ayon sa koponan , na nagtamo ito ng Grade 1 hamstring strain na kaniyang nakamit sa Game 1 western semifinals nila ng Minnesota Timberwolves.
Dahil dito ay maaring hindi makakapaglaro si Curry ng Game 2 hanggang 4 pero depende pa rin sa approval ng kanilang doctor.
Dahil sa kawalan ni Curry ay nakatuon ngayon ang mata kay Jimmy Butler na noong Game 1 ay mayroon itong 20 points, 11 rebounds at walong assists.