-- Advertisements --

Nagsanib puwersa sina Stephen Curry at Draymond Green upang mamayani sa pagsilat ng Golden State Warriors sa NBA-leading na Utah Jazz, 131-119.

Nagpakawala ng 32 points si Curry, habang may triple-double na 11 points, 12 rebounds at 12 assists si Draymond Green para tuldukan na ng Warriors ang kanilang magkakasunod na talo sa apat na laro.

Mistulang nag-init din ang kamay ni Curry na nagtala ng anim na three points.

Sa panig naman ng Jazz, nabalewala lamang ang 24 points at career-high na 28 rebounds ni Rudy Gobert.

Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 24 points, Mike Conley ng 23 at Jordan Clarkson 21.

-- Advertisement --