CURRY2
Stephen Curry

Desidido pa ring makapaglaro sa Tokyo Olympics si Golden State Warriors star Stephen Curry.

Sinabi ng dating Most Valuable Player, na interesado pa rin ito sa paglalaro gaya ng pagsali niya sa nakaraang Olympics noong 2010 at 2014.

Hindi lamang ito nakasama sa 2016 Rio Olympics dahil sa ankle and knee injury.

Magugunitang matapos ang hindi paglalaro ng halos limang buwan dahl sa injury sa kamay ay nagbalik na si Curry nitong Biyernes sa laban nila kontra Toronto Raptors.

Ilan sa mga posibleng makakasama nito ay sina LeBron James, Anthony Davis, James Harden, Paul George, Kawhi Leonard, Chris Paul at Russel Westbrook.