Curry and Leonard
Curry and Leonard/ NBA Latest FB image

Hindi muna inaalala nina Golden State Warriors superstar Stephen Curry at Toronto Raptors star Kawhi Leonard ang posibilidad na mahirang ang isa sa kanila bilang NBA finals Most Valuable Player (MVP).

Ayon kay Leonard, isa sa mahalaga sa kaniya ngayon ay makapagtala ng kasaysayan ang kaniyang koponan na makuha ang kauna-unahang kampeonato.

Sa unang pagkakataon ay umusad ang Raptors sa NBA Finals.

Habang ang Warriors ay nasa ikalimang season na sa pag-abanse sa Finals.

Sa panig naman ni Curry, titiyakin niyang magiging mabuti ang kaniyang paglalaro para muling magkampeong ang koponan.

Bukod sa dalawa ay marami rin ang umaasang mapili sa pagka-finals MVP sina Klay Thompson at Draymond Green.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here