-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang Civil Security Unit(CSU) member matapos na inagawan ng baril at binaril ng isang pasyente sa Dr. Jeorge P. Royeca Hospital.

Ayon kay City PNP Director Col. Gilberto Tuson nga na-admit ang suspek sa nasabing pagamutan matapos na mabangga ng sasakyan.

Kinilala ang suspek na si Juru Bosong Ghul 37 taong gulang na residente ng Balot Island Davao Occidental matapos na nabaril ng sundalo.

Matapos na magamot ang suspek sa mga natamo nitong sugat sa katawan ay biglang lumapit
sa CSU member na si Dionito Galgaran at nang-agaw ng baril.

Binaril ng suspek ang biktima kayat nagtamo ng sugat sa balikat at panga habang natamaan naman sa dibdib ang suspek.

-- Advertisement --

Nabatid na nakipagbarilan pa ang suspek ng rumespondeng sundalo.

Sa kabila ng kondisyon ng suspek ay bantay sarado ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang malalim na dahilan ng suspek sa pamamaril. .