-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin si House Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte matapos na sumingit sa pila at hindi sumunod sa screening requirement ang kanyang anak na si Omar sa isang grocery sa Davao sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

“It has come to my attention that my son, Omar Duterte, went to SNR Davao and he did not line up and thus, was not subjected to stringent screening requirements of the establishment,” saad ng presidential son.

Tiniyak naman nito na hindi niya papalagpasin ang asal na ipinakita ng kanyang anak.

Ito ay lalo pa’t ilang oras ang inaabot sa pila pa lamang bago makapasok ang isang indibidwal sa loob ng grocery dahil sa umiiral na social distancing kung saan limitado lamang ang bilang ng taong pinapapasok sa loob ng isang establisiyemto.

Bukod dito, mahigpit ding ipinapatupad ang body temperature checking sa mga mamimili bago pa man sila payagan makapasok at makapamili ng grocery.

“This incident is unfortunate, given the health emergency that we are facing these days, when most of us are preoccupied with efforts to protect every Dabawenyo, especially our frontliners and government responders and volunteers,” dagdag pa ni Duterte.

Samantala, papaimbestigahan din daw nito ang umano’y pagmamalabis din ng security team na kasama ng kanyang anak.