Kinumpirma ng talent manager na si Arnold Vegafria na ang kanyang alaga na si Pinky Amador ang nasa viral video kung saan nagwawala habang nasa isang condo-tel.

Ayon kay Vegafria, ang pasikretong kumuha sa “emotional outburst” ni Amador ay ang mga tao rin na nag-udyok sa galit nito matapos balewalain ang pakiusap na mabigyan ng kopya ng circular order ng hotel patungkol sa pagtuloy doon ng mga umuwing Overseas Filipino Workers.

Sa 6-minuter video, mapapanood ang pagsigaw at pagmumura ng 54-year-old actress sa hotel staff.

“Just to give a brief clarificatory overview of her personal statement, Pinky’s outrage was the offshoot of her personal grievance against misinformation, a plea for accountability from her building owners and administrators, and her rightful reaction and defense for the assurance of her own, as well as her fellow homeowners’ and residents’ safety and well-being amid a potentially hazardous health threat, particularly in light of the ongoing COVID-19 pandemic,” bahagi ng Facebook post ni Vegafria.

Si Vegafria ay bagong fanchise holder ng Miss World-Philippines at business manager ni Manny Pacquiao.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Amador pero giit na nangamba lamang ito sa kanyang kalusugan sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus pandemic.