-- Advertisements --

Magsisimula sa susunod linggo ang COVID-19 vaccine trials sa Russia.

Gagawin ang mass testing sa 40,000 na katao kung saan ito ay babantayan ng mga foreign research bodies.

Gagawin ang testing sa 45 medical centers ng Russia.

Ang nasabing hakbang ay para mawala ang pangamba ng marami na isinisekreto ng Russia ang detalye ng kanilang ‘Sputnik V’.

Ayon kay Kirill Dmitriev, namumuno sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), na maraming mga bansa kasi ang kumokontra sa kanilang bakuna.

Maraming bansa naman ang nag-request ng ilang bilyong dosage ng bakuna.