Inaasahang sasailalim sa rapid intensification o biglaang paglakas ang Severe Tropical Storm Fung-wong pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi (Nov. 7) o bukas ng umaga.
Ito ay kasabay ng patuloy nitong pag-ipon ng lakas habang nasa eastern Philippine Sea.
Mula sa kasalukuyan nitong lakas, maaaring biglaan itong umangat mula 185 kilometers per hour (KPH) hanggang 195 KPH bukas, habang nasa loob ito ng PAR.
Ayon kay PAGASA Meteorologist Benison Estareja, maaaring makaipon pa ito ng lakas bago ang landfall, at tuluyang maging super typhoon habang binabaybay ang pahilaga-kanlurang direksyon.
Hindi rin isinasantabi ng weather bureau ang posibilidad na lumawak pa ang saklaw ng bagong bagyo.
Paliwanag ni Weather Services Chief Juanito Galang, maaari pang lumawak ang lugar na maapektuhan ng bagyo, kasabay ng tuluy-tuloy nitong paglakas, kung saan posibleng umabot pa sa Visayas ang maapektuhan nito.
Sa ngayon ay mahigit 700 kilometers ang tinatayang aabutin ng sirkulasyon ng bagyo, batay sa initial forecast
















