-- Advertisements --

Tiniyak ng Palasyo ang kahandaan ng pamahalaan para sa pagdating ng inaasahang Super Typhoon Uwan, kasabay ng pagpapatuloy ng operasyon ng relief at rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagpadala na ang pamahalaan ng mga first responders sa mga lalawigang posibleng tamaan ng paparating na bagyo upang matiyak ang maagap na pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Siniguro ng pamahalaan na hindi bibitawan ang mga lugar na labis na nasalanta ng Bagyong Tino, partikular ang Cebu, hanggang sa tuluyang makabangon ang mga ito.