Susubukan daw ni Secretary of State Mike Pompeo na tulungan ang Pilipinas na makuha ang naging kasunduan nito sa Pfizer para makakuha ng bakuna ang bansa.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na nakausap nito si Pompeo at kanilang napag-usapan ang tungkol sa naunsyaming kasunduan sa pagitan ng Pfizer at Pilipinas.
Nangako raw ang opisyal ng Estados Unidos na gagawin nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang tulungan si Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez.
Kung maaalala, si Locsin ang nagsiwalat sa nabigong kasunduan ng bansa sa Pfizer dahil sa di-umano’y pagpapabaya ni Health Secretary Francisco Duque III sa kaniyang tungkulin.
Dahil daw dito ay hindi makakakuha ang bansa ng 10 milyong doses ng bakuna sa Enero.
Kaliwa’t kanang kritisismo naman ang natanggap ni Duque dahil sa pangyayari ngunit paulit-ulit din na iginigiit ng kalahim na hindi siya nagkulang sa kaniyang parte.