VIGAN CITY – Nakansela na umano ang pasok sa lahat ng paaralan at unibersidad sa Saudi Arabia dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng medical practitioner na si Bombo International Correspondent Lia Grey sa impormasyong ipinadala nito sa Bombo Radyo Vigan.

Ayon kay Grey, tatlong bayan pa a Saudi Arabia ang isinailalim sa lockdown kagaya na lamang ng Safwa, Qatif at Dammam.

Sa ngayon, 11 na ang kaso ng COVID-19 sa Saudi ngunit ayon kay Grey, 17 confirmed cases na ang naitatala sa ngunit 11 lamang ang ipinapalabas ng Saudi government sa media.