-- Advertisements --

Tuluyan ng tinanggal ng Hong Kong ang lahat ng COVID-19 restrictions.

Simula ngayong Disyembre 29 ay lahat ng mga magtutungo sa Hong Kong ay hindi hahanapan ng mandatory PCR test.

Tinanggal na rin nila ang pagpapatupad ng vaccine pass system.

Paglilinaw naman ng kanilang gobyerno na magpapatuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Kabilang din na tinanggal ang paglimita sa mga pagtitipon ng hanggang 12.

Noong Oktubre kasi ay pinayagan lamang nila ang pagtitipon ng hangang apat na katao sa isang grupo.

Itinuturing ng mga otoridad na ang dahilan ng pagluluwag nila ay dahil sa mataas na bilang ng mga naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Magugunitang nagluwag na rin ang China sa mga international travellers.