-- Advertisements --

Inilunsad ng Bangsamoro Government ang 4-year strategic plan para palakasin ang ugnayan sa mga bansa Brunei, Indonesia, at Malaysia.

Layon nitong paunlarin ang agrikultura, pangingisda, seaweed industry, at renewable energy sa rehiyon.

Ayon sa Bangsamoro Planning and Development Authority, bahagi ito ng East ASEAN Growth Area na tumutok sa pag-unlad ng mga liblib na rehiyon.

Sinabi ni Mindanao Development Authority Secretary Leo Magno na ito’y hakbang para maisama ang BARMM sa pangmatagalang economic agenda ng rehiyon.