Iniulat ng OCTA Research Group na bumababa na ang Covid-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Ito’y sa kabila ng pagtaas ng reproduction number ng coronavirus sa Metro Manila mula sa 1.39 ngayon ay nasa 1.41.
Ayon kay OCTA Dr. Guido David, umaasa sila na bababa ang reproduction rate sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan ng September ng sa gayon mag slow down na rin ang transmission ng nakamamatay na virus.
Sinabi ni David, sa buong Pilipinas nasa 1.32 ang reproduction number habang sa NCR ay nasa 1.41.
Binigyang-diin ni David na dapat ang reproduction number bumaba sa 1.00 or 1.1 ng sa gayon masiguro na ang Covid-19 cases ay bumaba rin.
Paliwanag pa ni David na ang kasalukuyang 1.41 reproduction rate ay ibig sabihin dalawang infected na indibidwal ay maaring makapagn transmit ng virus sa tatlong katao.
Nitong Sabado, ang Metro Manila ay nakapagtala ng record-high na higit 6,000 cases.
Nagbabala naman si David na ang nasabing figure ay posibleng tataas pa sa susunod na mga linggo.