-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong Emong na ngayon ay sumampa na sa typhoon category.

Huli itong namataan sa 220 km West Southwest of Bacnotan, La Union.

Kumikilos ito nang pa-timog-timogkanluran sa napakabagal na pag-usad.

May lakas itong 120 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 150 km/h.

Signal No. 3: Hilagang bahagi ng Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani) at kanlurang bahagi ng La Union

Signal No. 2: Ilocos Norte, Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union, kanlurang bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, gitnang bahagi ng Pangasinan, at kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya

Signal No. 1: Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, kanlurang at gitnang bahagi ng Isabela, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Quirino, natitirang bahagi ng Apayao, natitirang bahagi ng Pangasinan, hilagang at gitnang bahagi ng Zambales, Tarlac, at kanlurang at gitnang bahagi ng Nueva Ecija

 Samantala, ang bagyong Dante naman ay namataan sa layong 735 km Silangang-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilaga-hilagangkanluran sa bilis na 30 km/h.

May lakas itong 75 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 km/h.