-- Advertisements --

Inihalal ng Kamara de Representantes nitong Martes ng gabi ang mga bagong pinuno ng ilang mahahalagang komite, kabilang ang makapangyarihang Appropriations, Rules, at Quad Comm, na layuning higit pang palakasin ang lehislatibong pagbabantay, disiplina sa pananalapi, at koordinasyon ng mga aktibidad ng mababang kapulungan ngayong 20th Congress sa ilalim ng muling pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Itinalaga si Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing ng unang distrito ng Nueva Ecija, na nagtapos sa Harvard, bilang tagapangulo ng Committee on Appropriations, isa sa pinakamakapangyarihang komite sa Kamara na may hurisdiksyon sa paggawa ng pambansang badyet.

Makakatuwang naman ni Suansing si Rep. Albert Garcia ng ikalawang distrito ng Bataan, na nahalal bilang senior vice chair ng Appropriations panel.

Ang pagtatalaga kay Suansing ay dumating sa isang mahalagang panahon, habang nakatakdang simulan ng Kamara ang mga deliberasyon sa sandaling maisumite ng Ehekutibo ang panukalang pambansang badyet para sa 2026.

Matagal nang tagapagtaguyod si Speaker Romualdez ng pagbubukas sa publiko ng tradisyunal na saradong bicameral conference committee (bicam) at pagpapahintulot sa mga miyembro ng civil society na makibahagi bilang mga tagamasid.

Ang Quad Commmittee naman ay binubuo ng mga Committee on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts—ay may mahalagang papel sa mga pangunahing imbestigasyon ng Kamara ukol sa mga ilegal na gawain, paglabag sa karapatang pantao, at iba pang seryosong banta sa pampublikong kaligtasan at mabuting pamamahala.

Itinalaga si Rep. Jonathan Keith Flores ng ikalawang distrito ng Bukidnon bilang tagapangulo ng Committee on Dangerous Drugs, habang pamumunuan ni Rep. Rolando Valeriano ng ikalawang distrito ng Maynila ang Committee on Public Order and Safety.

Nanatili si Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng ikaanim na distrito ng Maynila bilang tagapangulo ng Committee on Human Rights. Wala pang nahihirang na bagong tagapangulo ng Committee on Public Accounts.

Itinalaga naman si Rep. Maria Carmen Zamora ng unang distrito ng Davao de Oro bilang tagapangulo ng Committee on Accounts.

Inihalal din ng Kamara si Rep. Miro Quimbo ng ikalawang distrito ng Marikina bilang tagapangulo ng Committee on Ways and Means, na gumagawa ng mga panukalang batas ukol sa pagbubuwis at kita, at si Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. ng unang distrito ng Maynila ang inihalal na senior vice chair.

Nanatili si Rep. Joel Chua ng ikatlong distrito ng Maynila bilang tagapangulo ng Committee on Good Government and Public Accountability, habang si Rep. Lordan Suan ng unang distrito ng Cagayan de Oro ang ngayon ay namumuno sa Committee on Public Information.

Bilang suporta sa Majority Leader at tagapangulo ng Rules Committee na si Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng unang distrito ng Ilocos Norte, inihalal ng Kamara si Rep. Lorenz Defensor ng ikatlong distrito ng Iloilo bilang senior deputy majority leader.

Ang mga inihalal din bilang deputy majority leaders sina Reps. Julienne “Jam” Baronda (Iloilo City, Lone District), Marlyn Primicias-Agabas (Pangasinan, 6th District), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, 1st District), Patrick Michael Vargas (Quezon City, 5th District), Ma. Alana Samantha Santos (Cotabato, 3rd District), Ernesto Dionisio Jr. (Manila, 1st District), Jeyzel Victoria Yu (Zamboanga del Sur, 2nd District), Arnan Panaligan (Oriental Mindoro, 1st District), Alyssa Michaela “Mica” Gonzales (Pampanga, 3rd District), Marie Bernadette Escudero (Sorsogon, 1st District), Ivan Howard Guintu (Capiz, 1st District), Wowo Fortes (Sorsogon, 2nd District), Adrian Jay Advincula (Cavite, 3rd District), Anna Victoria Veloso-Tuazon (Leyte, 3rd District), Crispin Diego Remulla (Cavite, 7th District), Vincenzo Renato Luigi Villafuerte (Camarines Sur, 2nd District), Jose “Bong” Teves Jr. (TGP Party-list), Munir Arbison Jr. (KAPUSO PM Party-list), at Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez (1-RIDER Party-list).

Ang mga inihalal na assistant majority leaders ay sina Reps. Bai Dimple Mastura (Maguindanao del Norte, Lone District), Rhea Mae Gullas (Cebu, 1st District), Daphne Lagon (Cebu, 6th District), Roberto “Pinpin” Uy Jr. (Zamboanga del Norte, 1st District), Agatha Paula Aguilar Cruz (Bulacan, 5th District), De Carlo Uy (Davao del Norte, 1st District), Leonel Ceniza (Davao de Oro, 2nd District), Ronald Singson (Ilocos Sur, 1st District), Mark Anthony Santos (Las Piñas City, Lone District), King Collantes (Batangas, 3rd District), Patricia Calderon (Cebu, 7th District), Juan Carlos “Arjo” Atayde (Quezon City, 1st District), Alexandria Gonzales (Mandaluyong City, Lone District), John Geesnell “Baba” Yap II (Bohol, 1st District), Francisco “Kiko” Barzaga (Cavite, 4th District), Ralph Wendel Tulfo (Quezon City, 2nd District), Esmael Mangudadatu (Maguindanao del Sur, Lone District), Bella Vanessa Suansing (Sultan Kudarat, 2nd District), Javier Miguel Lopez Benitez (Negros Occidental, 3rd District), Katrina Reiko Chua-Tai (Zamboanga City, 1st District), Jorge Daniel Bocobo (Taguig City, Lone District – 2nd Councilor District), Ryan Recto (Batangas, 6th District), James “Jojo” Ang (USWAG ILONGGO Party-list), Brian Poe-Llamanzares (FPJ PANDAY BAYANIHAN Party-list), at Johanne Monich Bautista (TRABAHO Party-list).