Papayagan nang manatili sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga benepisyaryo nito ng lagpas sa 7 taon sakaling maamyendahan na ang 4Ps law.
Sa post-SONA discussion, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na magbibigay daan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikaapat na ulat sa bayan na manatili ang 4Ps beneficiaries nang matagal hangga’t kinakailangan.
Subalit nilinaw ng kalihim na ang tagal ng pananatili ng benepisyaryo sa programa ay nakadepende sa estado at kalidad ng kanilang buhay at kung kaya na na nilang tumayo sa sarili nilang paa matapos na makaalpas o grumaduate sa programa.
Iniulat din ng DSWD chief na nasa kabuuang 1.4 milyong Pilipino na ang grumaduate mula sa 4Ps mula nang simulan ito noong 2022.