Nagbabala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga epal na pulitikong gagamit ng ayuda para sa pansariling interes na papaalisin mula sa payout sites o ititigil ang aktibidad.
Ayon sa kalihim, hindi papayagang gamitin ang paymasters at social workers para sa political agenda.
Binigyang-diin ni Sec. Gatchalian na tutulungan ng DSWD ang benepisyaryo kahit walang referral mula sa pulitiko, at may mga probisyon sa memorandum circular laban sa political involvement.
Una ng tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kaniyang pagpirma ng P6.793-trilyong 2026 national budget na ang ayuda ay aabot sa tunay na benepisyaryo at hindi gagamitin sa patronage.
Nakalaan rin ang P270 bilyon para sa social services upang paunlarin ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.
















