Naipasa na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang P6.793 trillion national budget para sa taong 2026.
Matapos ang mahabang interpellation ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ay tuluyang naipasa sa ikalawang pagbasa ang General Appropriations Bill (GAB) bago mag-ala 6 ng gabi nitong Huwebes, Disyembre 4.
Target ng Senado na miapasa ang budget sa ikatlo at huling pagbasa sa Disyembre 9.
Pagkatapos nito ay isasagawa ang bicameral deliberation sa susunod na linggo.
Magugunitang nagkaroon ng mga pag-amyenda sa ilang bahagi ng national budget gaya ng pagbabawas sa Foreign Assisted Projects , pagdagdag sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund at pagbabalik ng 4Ps Program sa National Expenditure Program (NEP) level sa halagang P11.17-bilyon.















