-- Advertisements --

Bahagya nang nababawasan ang bilang ng mga binahang lugar nitong mga nagdaang bagyo kasabay ng patuloy na pagayos ng panahon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 500 apekatadong lugar ay nasa 474 na mga lugar na lang ang nannatiling lubog sa lugar.

Nananatiling pinakamaraming apektado pa rin ang malaking bahagi ng Gitnang Luzon na nakapagtala ng 268 sunod dito ang Ilocos Region na mayroong 201 na apektadong lugar.

May mangilan-ilan pang naitalang pagbaha sa ilang bahagi ng CALABARZON, Western Visayas at maging sa MIMAROPA.

Samantala, tinatayang aabot na sa 7.2 milyong katao o halos 2 milyong pamilya ang patuloy na naaepktuhan ng mga pagbaha na ito habang 34 pa rin ang bilang ng mga nasawi dulot ng mga nagdaang bagyo