-- Advertisements --

May tatlo muling nadagdag sa bilang ng recoveries ng COVID-19 ayon sa DOH kaya pito na ang toll recovered patients ng sakit.

DOH 2
DOH/ FB IMAGE

Sila ay sina PH15, na isang 24-anyos na lalaki mula Makati City. Noong Linggo, March 15 daw siya na-discharge ng Makati Medical Center matapos na dalawang beses na mag-test negative.

DOH2

Gumaling na rin si PH26, na isang 34-anyos na lalaki mula Camarines Sur, na isa sa dalawang repatriates ng Diamond Princess cruise ship, na na-admit sa Jose B. Lingad Hospital sa Pampanga.

Gayundin si PH13 na lalaking 34-year old mula Quezon City, na na-discharge na noong Linggo sa Makati Medical Center.

Pero nadagdagan pa ng 15 ang kaso ng mga nag-positibo sa COVID-19, kaya umakyat pa sa 202 ang total number of cases. May tatlo ring namatay, kaya 17 na ang death toll ng sakit.

Kabilang sa mga ito si PH201. Isang 58-year old na lalaki sa Lanao del Sur. May travel history siya sa Malaysia at na-admit sa Amai Pakpak Medical Center.

Namatay siya kahapon ng pasado alas-6:00 ng umaga dahil sa acute respiratory distress syndrome (ARDS) secondary to COVID-19. Mayroon din daw itong pre-existing Diabetes Mellitus.

Binawian din ng buhay si PH57 na isang 65-year old na lalaki mula Pasig City na may travel history sa London. Namatay siya alas-10:00 kagabi sa The Medical City dahil din sa ARDS secondary to COVID-19 at pneumonia. Mayroon din daw siyang pre-existing Diabetes Mellitus at pneumonia.

Habang isang 86-year old na babae mula San Juan ang isa ring namatay na si PH160 na walang travel history o exposure sa positive patient.

Namatay siya alas-2:00 ng madaling araw kahapon sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa septic shock secondary to pneumonia high-risk secondary to CVOID-19.

Diagnosed din daw ito ng mga komplikasyon gaya ng chronic kidney disease, secondary to hypertensive nephrosclerosis, ischemic heart disease at peripheral arterial occlusive disease.