-- Advertisements --

Kinumpirma ni House deputy Speaker at Cebu Represenntative Duke Frasco na hindi siya lumagda sa manifesto of support para kay Speaker Romualdez sa 20th Congress.

Sa isang statement, sinabi ni Frasco na nakausap niya ang mga kasamahan sa Kamara, local leaders at mismong mga constituents kung saan lahat ay nagpahayag umano ng pagkadismaya sa liderato ni Romualdez.

“ On May 14, just two days after the 2025 local elections, I was asked to sign a manifesto supporting the continued leadership of Speaker Martin Romualdez in the 20th Congress. I have not signed the manifesto and after careful reflection, I have decided not to,” pahayag ni Rep. Frasco. 

Binanggit nito ang umano’y inasahang pagkakaisa na sinira ng personal na interes at pamumulitika.

Ipinunto ni Frasco na patuloy ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos para sa pagkakaisa, stability at isang gobyerno na naghahatid ng makabuluhang pagbabago.

Naniniwala ang kongresista na kailangang sumalamin ito sa Kamara hindi lamang sa pamamagitan ng mga panukalang batas na ipinapasa kundi sa lideratong itinataguyod.

Ipinaliwanag pa ni Frasco na ang kanyang desisyon ay hindi tungkol sa pagkakawatak-watak.

Mas marami pa umanong kayang gawing mabuti ang Kamara at dapat na sila ay maging katuwang sa pagpapaangat sa bansa at hindi maging platform tungo sa hindi pagkakasundo.

“ At this critical time in our nation, I believe we need leadership in the House that unites rather than divides. Leadership that reinforces our shared vision and strenghthens the path forward for our country,” pahayag ni Rep. Frasco.