Isinagawa ngayong araw ang kauna-unahang courtesy visit ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III sa Commission on Human Rights (CHR) sa naging flag ceremony sa komisyon ngayong umaga kung saan siya ang kauna-unahang hepe ng Pambansang Pulisya na bumisita sa tanggapan.
Layon ng pagbisita ng hepe sa komisyon na bigyang linaw ang kaniyang mga naging direktiba hinggil sa paramihan ng huli sa mga hanay ng pulis bilang batayan ng kanilang performance at para makakuha ng mga promosyon.
Muling nanindigan si Torre na ang trabaho ng mga pulis ay ang manghuli at mang-aresto ng mga kriminal at panatilihing payapa ang mga lansangan ng bansa lalong lalo na sa mga komunidad.
Kaya naman isang malaking development kung maituturing ang naging pagbisita ng PNP sa komisyon para maipakita na nakikiisa sila na maprotektahan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino.
Lubos namang nagpasalamat ang hepe sa komisyon para sa palaging pagcheck nito sa kanilang organisasyon at bilang kanilang partner sa pagsisisguro na ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod at hindi labag sa batas lalong lalo na sa mga karapatang pantao.
Samantala, kinilala naman ng CHR ang mga inisyatibong ito ni Torre at nangakong susuportahan at makikipagtulungan para sa implementsyon ng warrantless arrest.
Ani CHR Chairperson Atty. Richard Palpal-latoc, suportado nila ang tungkuling ginagampanan ng mga pulis na pangalagaan ang seguridad ng mga komunidad at pagtitiyak na ligtas ang mga mamamayang binubuo nito.
Dagdag pa ng opisyal, hanggat walang nalalabag na mga batas ang mga pulis sa pagtupad ng kanilang mandato ay patuloy nilang sususportahan ang direktibang ito ni Torre.
Maaari din aniya gumamit ng pwersa ang kapulisan lalo na kung ito ay nakikitaan ng pangangailangan at kung mayroon ding nakaambang panganib sa kanilang mga buhay.
Samantala, mas naging panatag naman ngayong ang komisyon dahil sa naging pagbisita ni Torre sa kanilang tanggapan ay makakasiguro ang publiko na patuloy na paiiralin ng PNP ang batas sa kanilang mga ikakasang operasyon.
Mahalaga din aniya ang naging pagpupulong at paguusap ng dalawang institusyon na ito dahil mas mappaigting at mapapabuti ang kanilang relasyon para maisama sa pagtupd ng mandato ng mga kapulisan ang pagppahalaga sa human rights.